Posted by: petermariano | March 7, 2009

Episode 1 – Scenes 9 to 13

MONTAGE SEQUENCE BEGINS :

MUSIC IN : ( another up-beat na kanta gaya ng “Just Got Lucky” )

 

 

DISSOLVE TO:

SCENES 9 TO 12: INT. OLD WAREHOUSE – DAY :

 

FAST FORWARD ang takbo ng mga eksena habang dinadaanan natin ang mga susunod na SERIES OF SHOTS :

 

   Sa supervision ni ANDREA, untin-unting nabubuo ang STAGE na ginagawa nila MANG MULOY

 

   Pare-parehong may mga hawak na PAINT ROLLERS, pinipinturahan nila KIT, ANDREA, RODA at JESSA ang isang PADER. Nandoon din si PAU na tumutulong at naglalagay ng PINTURA sa kanilang mga PANS. Nagtatawanan ang grupo sa isang joke ni Roda pero ‘di natin maririnig ito

 

  Tapos na ang STAGE at sinisimulan nang pinturahan nina MANG MULOY ang GILID nito. Sa background ay makikita ang grupo nina ANDREA na pinipinturahan ang LIKOD na pader ng itim na pintura

 ( Note: Ibang araw na ito at iba na ang suot nila. Special focus kanila RODA at JESSA na terno ang suot. )

 

  Sa pamamagitan ng iba’t-ibang kulay ng SPRAY PAINT, nagpipinta ng isang MURAL sina ANDREA, RODA at JESSA sa isa pang pader ng mga ANIME at CARTOON characters, na animo’y nagsisiksikan at pinapanood ang stage. Nakatayo sina PAU at JAKE at tuwang-tuwang pinapanood sila.

 ( Note: Ibang araw na naman ito at iba na naman ang suot na terno nina RODA at JESSA )

 

 

MONTAGE SEQUENCE ENDS:

 

 

NORMAL SPEED : ( from this point, tatawagin na nating “JAKE”S RESTAURANT” ang old warehouse )

 

CUT TO:

SCENE 13: EXT. JAKE’S RESTAURANT – AFTERNOON :

Nasa labas si KIT at ang dalawang kasama ni Mang Muloy at pinipinturahan nila ang HARAP ng warehouse. May dalang ROLLER si KIT na may extra-long na handle. Ang mga KASAMA niya ay naka-tuntong sa isang SCAFFOLDING at nagpipintura rin.

 

SA MAIN DOOR

 

Bumukas ito at isa sa mga ALALAY ni Jake ang humahawak dito habang lumabas si PAU na may dalang PITSEL ng juice at mga PLASTIC CUPS. Tinawag niya ang mga nagtatrabaho.

 

PAU

Kit! Mag-juice muna kayo o!

 

Tumigil si KIT sa ginagawa niya at lumapit kay PAU. Bumababa sa scaffolding ang mga kasama niya.

 

KIT

Uy! Salamat ha..

 

Inabot niya ang mga plastic cups at kukunin na niya sana ang pitsel nang –

 

PAU

Ako na…

 

Nilagyan ni PAU ng JUICE ang mga plastic cups na hawak ni KIT sa magkabilang kamay.

 

KIT

Salamat ha.

 

PAU

( masigla )

You’re welcome.

 

Ibinigay ni KIT ang mga basong may juice sa mga kasama niya. Kumuha ulit siya ng isa pang plastic cup. Pinuno ito ni PAU ng juice.

 

KIT

Salamat ulit ha.

 

PAU

Naku! Wala ‘yon…

 

Nagkatitigan ang dalawa ng ilang sandali.

 

ANDREA ( 0.S.)

Hmmm…. In fairness,  alam n’yo, bagay kayong dalawa. Para kyong si John Lloyd at si Bea.  Irritatingly cute, harharhar

 

Gulat na lumingon si KIT at PAU sa pinanggalingan ng boses. Nandoon at nakangiting nakatingin si ANDREA sa dalawa. Makikitang nag-ba-blush si Pau. Nakakunot ang noong tinititigan ni Kit ang kanyang kapatid na parang nagsasabing “ Lagot ka mamaya…”.

 

PAU

Ikaw talaga Andrea, ang dami mong kalokohan!

 

BUSINA ng ISANG SASAKYAN

 

May dumating na isang DELIVERY TRUCK ng GLASS PANELS at pumarada sa tapat ng restaurant. Bumaba ang isang LALAKI mula sa passenger side at hinarap ito ni PAU.

 

LALAKI

Para ho kay Jake Salcedo…. Salamin ho para sa

bintana.

 

PAU

A, para sa ‘min nga ‘yan. Para doon o…

( itinuro ni Pau ang taas ng warehouse )

 

POV ni PAU : Mga BINTANA na nasa upper portion ng pader ng warehouse. Puro basag-basag ng ang mga salamin nito.

 

PAU ( cont’d) (O.S)

…. Do’n niyo ikakabit….

 

Posted by: petermariano | March 7, 2009

Episode 1 – Scenes 4 to 8

MONTAGE SEQUENCE BEGINS :

MUSIC IN : ( isang upbeat na kanta preferrably “Head Over Heels” ng Go-Go’s)

 

 

DISSOLVE TO:

SCENE 4: INT. OLD WAREHOUSE – DAY:

Nasa loob ng lumang warehouse sina JAKE, PAU at ANDREA. May hawak ng mga ILLUSTRATION BOARDS si Andrea kung saan may nakaguhit na mga designs. Ipinapakita niya ito sa dalawa habang may itinuturo siya sa kung saan-saan habang nagpapaliwanag. Patuloy ang montage sa –

 

CUT TO:

SCENE 5: INT. JAKE’S OFFICE – DAY:

Nasa loob ng isang opisina sina JAKE, PAU at ANDREA. Sila’y nag-uusap habang nasa harap sila ng isang WHITEBOARD kung saan may mga nakasulat na –

 

                           MANPOWER REQUIREMENTS:

             1) Carpenters – Mang Muloy + 2 – c/o Andrea

             2) Artists / Painters – Andrea + 2

             3) Electrician / Audio – Kit – c/o Andrea

 

Nakatayo sa harap si Pau na may hawak na whiteboard MARKER. Tuloy pa rin ang montage at –

 

 

CUT TO:

SCENE 6: EXT. HARDWARE STORE – DAY:

Nakatayo sina PAU at ANDREA sa harap ng isang HARDWARE STORE at pinapanood nilang ikinakarga ng ilang mga kalalakihan ang mga binili nilang mga KAHOY, PLYWOOD at PINTURA sa isang TRUCK. Parehong nakasuot ng shades ang dalawa na ‘kala mo’y mga model na nag-po-posing sa camera. Ganito ang ayos nila nang tayo’y –

 

 

CUT TO:

SCENE 7: EXT. OLD WAREHOUSE – DAY:

Katulad ng ayos nila kanina, pinapanood naman nila PAU at ANDREA ang pagdidiskarga ng kanilang mga binili mula sa truck.

 

 

MONTAGE SEQUENCE ENDS.

 

 

CUT TO:

SCENE 8: INT. OLD WAREHOUSE – DAY:

Nasa loob ng warehouse sina JAKE, PAU at ANDREA. May kausap silang tatlong KALALAKIHAN. Ang isa rito’y may kaedaran na, si MANG MULOY, at siya at ang kanyang kasama’y may bitbit na mga gamit ng karpintero.

 

ANDREA

Tito Jake, siya po si Mang Muloy at ang mga kasama

niya. Sila po ang bahala sa mga woodworks na

kakailanganin natin. Siya rin ‘yung tumulong sa

amin doon sa booth namin sa school fair, Ate Pau.

 

PAU

Ah, gano’n ba. Sige ho, welcome ho. Si Andrea

na ang bahalang mamahala sa mga gagawin n’yo

po

 

MANG MULOY

Sige ga’t, kameng bahala dine.

 

SA PINTO

 

Pumasok sina JESSA at RODA na may dalang mga knapsacks. Magkatulad ang suot nilang STRIPED T-SHIRTS at MAONG. Nakangiti ang mga ito at kumaway kanila Pau at Andrea.

 

ANDREA

Heto na’ng mga lola n’yo…

( kay Jake )

Tito Jake, silang mga best friends ko…. si Jessa

( itinuro si Jessa )

 

Pa-demure na nag-BOW si JESSA.

 

ANDREA (cont’d)

…. Ang babaing bakla…

 ( itinuro si Roda )

at siya naman po si Roda…

 

Pa-demure ding nag-BOW si RODA.

 

ANDREA (cont’d)

…. Ang baklang bakla

 

Nakangisi sina PAU at JAKE.

 

ANDREA (cont’d)

Magagaling din po ang mga ‘yan. Silang tutulong

sa akin sa interiors… medyo maiingay nga lang

 

JESSA

Hoy… hindi ha. We just believe in the freedom

of expression

( sabay sa mga hand gestures )

 

RODA

Ang guwapo niyo ho pala Tito Jake…. Haaay!!!

Gaganahan kaming mag-work. In fairness ha.. papable talaga

itong lolo mo ever!!!

 

PAU

Loka! ‘Pag narinig ka ni Auntie Coring, kalbo ka.

 

JAKE

O sige. Simulan na natin ang trabaho, habang nililinis

ng mga bata ko ‘tong lugar.

 

Itinuro ni JAKE ang ilang mga BINATILYONG nagwawalis at naglilinis ng mga ding-ding at sahig.

 

JAKE

Siyanga pala, Andrea. Akala ko ba’y kasama mo

ang kuya mo rito? Nasa’n na s’ya?

 

KIT

Parating na rin ho siguro ‘yo…

( tumigil at may tiningnan )

…. teka, baka eto na siya..

 

SA PINTO

 

Dahan-dahang bumukas ito at dumungaw ang ulo ni KIT. Nang makita si Andrea’y ngumiti ito at pumasok. Naglalakad siyang papalapit nguni’t unti-unting naglalaho ang kanyang ngiti ng makita niya si —

 

KIT’S POV : MOVING ANGLE – SLOW MOTION

 (Mawawala ang lahat ng tunog at maririnig lang ay marahang tibok ng puso ) Nakatingin si PAU sa kanya na ‘di namamalayang dahan-dahang bumubuka ng bahagya ang kanyang mga bibig. May kakaibang kinang sa mga mata nito.

 

PAU’S POV : MOVING ANGLE – SLOW MOTION

(Wala pa ring maririnig na tunog bukod sa tibok ng puso ) Papalapit si KIT na nakatitig sa kanya. Bahagyang nakabuka ang bibig nito na parang manghang-mangha sa nakikita…

 

NORMAL SPEED : ( Babalik ang lahat ng tunog )

 

KAY ANDREA : Pasalit-salit niyang tinitingnan sina KIT at PAU… at biglang ngumiti ito… ngiting may nilalaman…

 

ANDREA

Ah…  Ate Pau, Tito Jake. Siya po ang Kuya

Kit ko…

 

Kinamayan ni KIT si JAKE.

 

KIT

Good morning po. Sorry, medyo na-late ho ako.

Meron ho kasi akong idiniliver na computer e.

 

JAKE

Okey lang ‘yon Brad. Nagsisimula pa lang naman

tayo e.

 

Dahan-dahang kinamayan ni KIT si PAU.

 

KIT

Hi… I’m Kit

 

PAU

Hi… I’m Pau.. Pauline…

 

Medyo tumagal lang ng konti ang kanilang kamayan…

 

ANDREA

Uhurmm….

 

Dagliang nagbitaw ang dalawa mula sa kanilang handshake.

 

ANDREA ( cont’d)

Maybe we should start na with the work..

Okey, ‘di ba? Okey.

 

MONTAGE SEQUENCE BEGINS :

MUSIC IN : ( another up-beat na kanta gaya ng “Just Got Lucky” )

Posted by: petermariano | March 3, 2009

Episode 1 – Scene 3

CUT TO:

SCENE 3: INT. ANDREA’S ROOM – NIGHT

 

Nasa loob tayo ng isang maliit na kuwarto na may dalawang SINGLE-BED units sa magkabilang gilid. May ilang mga paintings, kagaya ng nasa exhibit kanina, ang naka-display sa mga dingding. Sa dulo ng isang kama, kung saan medyo hindi naka-ayos ang mga bedsheet at unan, ay may isang ELECTRIC GUITAR na nakatayo sa isang guitar stand, at may maliit na amplifier.

 

Ang isang kama naman ay maayos at natatabunan ng pink at bulaklaking bedsheet, at may nakapatong na mga unan dito na nasa loob ng pundang may lace. Sa dulo nito ay isang EASEL na may nakapatong na isang sinisimulan pa lang na painting.

 

Sa pagitan ng mga kama ay isang WORK TABLE na may nakapatong na COMPUTER UNIT at sa ibabaw nito’y isang makeshift na bookshelves kung saan may ilang nakasuot na libro. Sa gilid ng lamesa ay isan pang CPU na bukas ang kaha, mga piyesa ng computer na nakapatong sa gilid, na kung saan makikita ang isang LALAKING nagbubutinting dito. Siya si FRANCISCO “KIT” FLORES, 21 years old, guwapo at matipuno ang pangangatawan.

 

Panay ang tingin niya sa kanyang RELO habang inaayos ang computer. Nang biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si —

 

ANDREA

Hello Kuya!

 

KIT

Saan ka ba nanggaling?! Ba’t ngayon ka lang?! Kanina pa

‘ko tumatawag diyan sa celphone mo ah…

 

ANDREA

Sorry Kuya, nag-low-bat ako e….

 

KIT (cont’d)

‘Di ka man lang tumawag. Gabi na ah. Saan ka ba

talaga nanggaling?

 

ANDREA

‘Wag ka nang magalit sa ‘kin, pls. Let me explain

first, okey. Cute ka naman e….

( nakangiti kay Kit )

 

 

Hindi nagbago ang expression ng mukha ni Kit.

 

 

ANDREA (cont’d)

Meron kasing nag-commission sa akin ng isang trabaho,

sa isang bagong Bar and Grille.

 

KIT

Bar and Grille?…. Anong?….

 

ANDREA (cont’d)

Bagong bar and grille na may mga live bands. Kinuha nila

ako para gumawa ng design ng “look” ng lugar, interior at

exterior. At pag nagustuhan nila, ako na rin ang bubuo ng

team ko to do the work. Siyempre, kasama ka doon…..kung

papayag ka

 

KIT

Sa’n naman ‘yang lugar na ‘yan? Sinong may-ari?

 

ANDREA

Malapit lang sa school ito. Isang Jake Salcedo ang may-ari.

Siya rin ‘yung may-ari nung malaking boarding house

malapit do’n sa school. Duon ako galing sa kanila, kasama

‘yung niece niya, si Ate Pau

 ( pause )

Ano, kuya? Okey lang ba sa ‘yo kung tatanggapin ko ang

alok nila? Maganda naman ang offer nilang compensation

e. Malaking tulong sa atin ‘yon.

 

KIT

Kunsabagay, kailangan nga natin ng pera…. Para makapagpadala

naman tayo kanila Nanay. Sige payag ako, pero baka makasagabal

sa schooling mo ‘yan?

 

ANDREA

Hindi bro. We’ll work around my class schedule naman e. At estimate

ko’y less than a  month lang ang kakailanganin to complete the

job. So kuya, it’s a go? I-te-text ko na kay Ate Pau?..

 

KIT

O sige, sige, sige…

 

ANDREA

Yes!… I’ll start with the design right away… tonight!

 

KIT

Okay… hayaan mo lang munang tapusin ko ‘tong computer

na binubuo ko para may pambayad na tayo sa renta next

week. Kumain ka na ba?

 

ANDREA

Yup! Ang sarap ng luto ni Tita Coring! ‘Yung asawa

ni Tito Jake.

 

KIT

Wala ka man lang pasalubong?

 

ANDREA

Ay, oo nga pala no…. sorry, only human.. hi,hi,hi…

 

 

Binato ni KIT si ANDREA ng FACETOWEL na inilagan nung isa habang tumatawa.

 

 

MONTAGE SEQUENCE BEGINS :

MUSIC IN : ( isang upbeat na kanta preferrably “Head Over Heels” ng Go-Go’s)

Posted by: petermariano | March 1, 2009

Episode 1 – Scene 2

DISSOLVE TO:

SCENE 2: EXT. CAMPUS GROUNDS – DAY

 

Kasalukuyang may SCHOOL FAIR sa college na pinapasukan ni Pau. Makikitang may mga sari-saring booths na nakatayo sa paligid ng kanilang campus. Maraming estudyanteng namamasyal.

 

FOCUS kay PAU

Mag-isang nagmamasid si Pau sa mga booths. Nasa lugar siya ng  FINE ARTS department at makikitang maraming naka-exhibit na mga paintings, posters, at iba pang mga artworks sa mga booths.

 

SUMUSUNOD ang CAMERA kay PAU hanggang sa tumapat siya sa isang kakaibang BOOTH. ‘Di tulad ng ibang booth na mukhang ordinaryo lamang, ang isang ito’y talagang pinaganda ng husto. Isang MURAL na animo’y Milky Way galaxy ang backdrop ng booth na ito. At parang naka-embose mula rito ang nakakabit na mga PAINTINGS ng mga fantasy landscapes. May mga maliliit na SPOTLIGHTS na nakatutok sa mga paintings, na nagbibigay impresyon sa nagmamasid na siya’y nasa isang professional na art gallery. May embossed na SIGN BOARD sa isang gilid na nagsasabing “ADVERTISING IIA”

 

May maliit na sound system sa isang gilid kung saan maririnig ang isang New Age na musika (preferrably music ni Loreena McKennitt). Bukod kay Pau ay may IBA ring tumitingin na pawang manghang-mangha sa kanilang nakikita.

 

May mga TAONG NAGUUMPUKAN sa isang gilid ng booth. Lumapit si Pau dito at naki-usyoso, at nakita niya ang –

 

ISANG BABAING NAG-DO-DRAWING

 

Naka-upo ang babae at may maliit na mesa sa harap niya. Dito nakapatong ang kanyang sketch pad kung saan gumuguhit siya ng isang rough COLORED SKETCH ng isang BABAENG nakaupo sa kanyang harapan. Colored pencils lamang ang gamit niya nguni’t makikitang kuhang-kuha niya ang image ng modelo.

 

Siya si ANDREA FLORES, 18 yrs old, maganda at may hubog ang katawan, kahit na simpleng work clothes lamang ang suot niya. Makikitang concentrated siya sa ginagawa niya.

 

BOSES BADING (O.S.)

Oy, oy… mga panget na baklush… Huwag niyong siksikin si Andrea

at hindi itech  maka-concentrate.

 

Isang GAY ang humahawi sa ibang mga lalaking nanonood. Nakasuot siya ng isang colorful printed shirt at matching slacks. May kasama siyang isang BABAE na nakasuot din ng parehong-pareho ang kulay at tabas. Hinahawi rin nito ang ibang nanonood.

 

BABAE:

Sigurado ba kayo, mga boyz… na ‘yung drawing ang

pinapanood niyo… o si Andrea?

 

Nakapamewang ang babae habang nakangisi sa kanya ang mga hinawi nilang kalalakihan. Lumapit si Pau sa dalawa at ngumiti siya sa mga ito.

 

PAU

Ah…. hello there

 

Matapos siyang tingnan mula ulo hanggang paa ay ngumiti rin ang mga ito at lumapit sa kanya. Habang papalapit ay –

 

BADING:

( sa mga lalake )

Diyan na nga kayo…, dito kami sa beauty ring tulad

namin….

 ( kay Pau )

Hello…. I’m Roda

 

 

BABAE:

And I’m Jessa.

 

PAU

Hi! I’m Pauline… Pau for short

(beat)

Ang ganda naman ng exhibit niyo. Kayong gumawa

niyan?

( itinuturo ang mga naka-display )

 

RODA

Thank you. Well, actually ‘yung ibang artworks diyan ay

gawa ng class namin. Pero itong booth and everything, and

maybe half ng mga paintings na ‘yan ay gawa niya…

 ( itinuturo si Andrea )

Siya si Andrea Flores.

 

Tumingin si Pau kay Andrea at napangiti ito.

 

PAU

Wow! Ang galing naman niya.

 

JESSA

Yes. Very talented talaga ‘yang friend namin.

 

PAU

Well… actually, I’m looking for an artist, just like her.

Meron kasi kaming bagong bar na itatayo, and it needs

redecorating

( tumingin kay Andrea )

Puede ko kaya siyang maka-usap?

 

JESSA

Why sure! Teka… ayan, tapos na pala siya. Hey boys!!!

 

Lumayo si Jessa at lumapit kay Andrea na tumatayo na mula sa kanyang upuan. Iniabot niya ang DRAWING sa babaeng modelo, na tuwang-tuwa sa nakikita. Sumunod si Roda at —

 

RODA

( sa mga nanonood )

Okey mga guys… later na lang ulit ha? Magpapahinga

muna si Andrea.

 

ANDREA

( sa babaeng modelo )

Nagustuhan mo ba, miss?

 

BABAENG MODELO

Yes, yes… ang ganda!

 

JESSA

( sumingit )

Well, kung gano’n… money down please. Contribution for

the class. ‘Di ba sabi ko kanina?

 

BABAENG MODELO

Ha?… Ah, oo… sandali…

 

Kinuha ng babae ang kanyang purse at iniabot ang dinukot na PERA kay Jessa. Lumayo na ito pagkatapos kumaway kay Andrea.

 

JESSA

( sa babaeng modelo )

Bye! Nice doing business with you!

 

ANDREA

Para akong faith healer nito a, at kayo ‘yung taga-kolekta

ng kontribusyon.

 

RODA

No, no, no…. kami ang iyong mga managers, and business

is business. And speaking of which…

( kay Pau )

Miss Pauline?…

 

Lumapit si Pau sa kanila.

 

RODA

Andrea, siya si Pauline. Pau… Andrea…

 

Nagpalitan ng “Hi” ang dalawa habang —

 

RODA ( cont’d)

Meron yata siyang business proposal for you.

 

ANDREA

Business?

 

PAU

Ah, actually Andrea, I am so impressed with your

work here…

 

ANDREA

Thank you.

 

PAU ( cont’d )

My uncle is setting up a new bar and grille. Malapit lang

dito ang place. Medyo in-shambles pa ang lugar e kaya we

need someone to help us decorate the place. And seeing

your caliber, I think ikaw ang right person na kakailanganin

namin.

 

ANDREA

Ha?…. A…. e

 

PAU

My uncle will be willing to pay, kung magkano man ang

i-cha-charge mo.

 

RODA

‘Yun naman pala manay Ganda e, subukan mo.

 

JESSA

Oo nga. Tutulong naman kami ni Roda. We’ll be your

faithful assistants.

 

 

ANDREA

Well,… I admit, I’m very much interested. Kaya lang

tatanungin ko muna ang Kuya ko kung papayagan ako.

Sa’n nga ba kamo ‘yung lugar?

 

PAU

Malapit lang. I’ll take you there mamaya after the fair, kung

gusto mo. At para ma-meet mo na rin ang uncle ko. What do

you think?

 

ANDREA

( nag-iisip; after a beat )

O sige, sama ako sa ‘yo mamaya.

 

PAU

Great!!! Can I get your cel number para tatawagan kita

mamaya, just in case…

 

ANDREA

Okay…

 

Inilabas niya ang kanyang celphone at nagpalitan ng numbers ang dalawa. Samantala –

Posted by: petermariano | March 1, 2009

Episode 1 – Scene 1

FADE IN:

 

SCENE 1: EXT. SUBURBAN NEIGHBORHOOD – AFTERNOON

Lumilipad tayo kasama ng view ng camera sa paligid ng lugar na ito – isang typical na bahagi ng siyudad ng Maynila. Patuloy ang paglakbay ng camera hanggang sa humantong ito sa harap ng isang LUMANG WAREHOUSE BUILDING.

 

Katamtaman ang laki nito . Makikitang marumi at puno ng graffiti ang façade nito at basag-basag na ang mga glass panels ng mga bintana nito.

 

FOCUS sa isang PICK-UP TRUCK sa harap ng building. Makikitang may isang LALAKE at isang BABAENG nakasandal sa pick-up at pinagmamasdan ang building.

 

Nasa mid-40’s na ang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito, may makapal na bigote at naka-pony-tail ang kanyang buhok. May suot siyang checkered na long sleeves, nakatupi ang manggas hanggang braso, at naka-tuck-in sa isang kupas na Levi’s 501 jeans. Isa siyang typical na Jeprox, isang honest-to-goodness na Rocker. Ang pangalan niya ay  JOAQUIN “JAKE” SALCEDO.

 

Kasama niya ay isang maganda at may pag-ka-seksing dalaga. Ito’y ang kanyang pamangkin na si PAULINE “PAU” SALCEDO, 21 yrs old. Simpleng t-shirt at slacks ang suot nito, ngunit mababanaag pa rin sa kanya ang pagiging sophisticated.

 

JAKE

Ano sa tingin mo, Pau? Anong puede nating gawin dito?

PAU

Kaya naman pala napakamura niyong nabili ‘tong building e ganito na pala’ng kondisyon nito. Anyway, sa tingin ko ho’y puede pa natin itong ma-salvage.

 

JAKE

Oo naman. Sayang lang ang pagkabili ko nito kay Pareng Roger kung ‘di natin ‘to gagamitin. Well, at least nakatulong din ako dun sa tao. Gipit na gipit na siya e..

(beat)

O ano? Anong gagawin natin dito? Restaurant? Punerarya?

PAU

(shocked)

Ano hong punerarya?

JAKE

Punerarya… ‘yung may patay….

(beat)

 Patay-sindi….

(napangisi)

PAU

Nge, nge, nge…. Ang korni niyo ha, Uncle Jake. Luma na ‘yan.

 

JAKE

O sige, gilingan na lang.

 

PAU

( nagtataka )

Gilingan? Anong ibig niyong sabihin?

 

JAKE

Gilingan….

(beat)

…. ng beywang

PAU

Haay naku, Uncle….. aawayin kayo ni Auntie Coring sa mga balak niyong ‘yan

 

Muling napatingin ang dalawa sa lumang building.

 

PAU

Ganito na lang ho… tutal, mahilig pa rin naman kayo sa music at para ma-evolve din ang catering business ni Auntie… why don’t we set this place up as a bar and grille? Na merong live music?

 

JAKE

Hmmm….. okey yan a…. bar and  grille?… O sige gawan mo na ng plano para malaman natin kung anong kakailanganin. Gamitin mo na ang pagka-Business Management mo.

(beat)

At pagka-graduate mo, tulungan mo akong patakbuhin itong                        lugar ha?

PAU

Siyempre naman ho…. Okey ho, gagawan ko na ‘to ng Business Plan.

 

Tumingin sa building. Napailing.

 

PAU

Kailangan muna nating pagandahin ‘tong lugar. Sino kayang puedeng makuha?

 

 

Posted by: petermariano | January 3, 2009

welcome to kabandabarkada

 

“Kabandabarkada” is a fast-paced tele-series about a group of friends and members of a band called V.O.G. or “Vessels Of Gold”. The scenes revolve in and around Jacko’s Grille, an establishment where the band regularly play, and most practically –  live. Scenes would also focus around the members of the band – their interactions with each other; their problems, hopes and dreams.

 

With some light comedy and light drama, the series is full of musicality. Most episodes end with a live musical number from the band, pre-empted by a “Lessons Learned” for the week, as presented by Kit, the male vocalist of the band, or Pau-pau, the keyboardist and leader of the band. These lessons are based on the particular episode’s main theme, usually given with particularly related words of wisdom from different sources, and is aptly followed by a related song performed by the band, thus closing the episode.

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.